THE QUESTION:
SINO ANG MAS MAHILIG/ MAS MADALAS MAG-CR--LALAKE O BABAE?
BAKIT LAGING SIKSIKAN ANG CR NG MGA BABAE?
The Experiment:
Habang naghihintay ako sa labas ng CR (mga 5mins din yun), binibilang ko kung ilan ang pumapasok sa CR na lalaki at babae. Binibilang ko din kung ilan ang lumalabas sa bawat pumapasok. (mahirap din ang experiment dahil maraming tao..pero dahil curious ako, go lang! haha!)
My Initial Theory:
Sa buong buhay ko, ang akala ko, mga babae ang mas mahilig mag-CR o mas madalas magpunta sa CR. Well, makikita naman yan sa haba ng pila at sikip sa CR nila.. (tumitingin kasi ko sa loob ng ladies' room kapag kasama ko sila mama at hinihintay ko sila matapos mag-CR). Kaya ayun, inaasahan ko na GIRLS ang mananalo sa experiment ko. Kaya nagulat ako sa result ng experiment ko.
The Result:
*drum roll*
MAS MARAMING NAGC-CR NA LALAKE!!!!
Ayon sa aking experiment, sa loob ng 5 minuto kong pagtayo sa labas ng CR, 15 lalake ang pumapasok sa CR versus 9 na babae. Ibig sabihin (obvious sa figures), mas maraming pumapasok at nagpupunta ng CR na lalake.
Ang siste:
Sa bawat 15 lalakeng jumijingle, 12 ang lumabas agad (w/in 5 min na naghihintay ako). Ang mga babae, sa 9 na pumasok ng CR, 3 lang ang lumabas within 5 min!!!!
CONCLUSION:
Ayon sa aking experiment, mas maraming lalake ang nag-CCR..Pero hindi ito halata dahil mabilis lang gumamit ng banyo ang mga lalake kaya hindi napupuno ang banyo. Sa kaso naman ng mga babae, kaya lang siksikan sa CR nila, kasi sa bawat 9 na pumapasok, 3 lang ang lumalabas agad (dahil sa kung anu-ano bagay na ginagawa nila sa loob). Kamusta naman iyon?! Hindi nga katakataka na magsiksikan at maging box-office sa loob ng CR nila.
Kaya sa susunod na makakita ako ng ladies' room na box office, ALAM NA!
------------------------
This is an imported blog from my unofficial blog site before. It's been a while since I last conducted personal mini-experiments such as this. Makagawa nga ule minsan! :)


0 comments:
Post a Comment